Manila, Philippines – Hindi pabor sina Senators Juan Miguel Zubiri at Senator Sherwin Gatchalian na gawing state witness si John Paul Solano sa kaso ng pagkamatay ni Horacio Atio Castillo III dahil sa hazing na ginawa ng Aegis Juris Fraternity noong Sept. 16.
Katwiran ni Zubiri, lumilitaw ngayon na naging kasabwat si Solano sa pagco-cover up o pagtatakip sa kaso at mga sangkot dito.
Si Solano ang isa sa naghatid sa kay Atio sa Chinese General Hospital kung saan niya sinabi na napulot niya lang ang katawan ng biktima sa Balut, Tondo, Maynila.
Paliwanag naman ni Gatchalian, hindi na kailangan na gawing state witness si Solano dahil nakuha na ang testimonya nito sa executive session ng senado.
Sa kanyang testimonya ay tinukoy ni Solano ang mga miyembro ng fraternity na nakita niya sa frat library kung saan ginawa ang hazing kay atio.