Nilimitahan ng embahada ng Pilipinas sa bansang Rome ang kanilang consular services dahil sa patuloy na pagtaas ng Corona Virus Disease o COVID-19 sa Italy.
Ilan sa mga serbisyong sinuspindi ay ang report of birth at marriage, pagpapakasal sa embahada, clearance sa pagpapakasal, dual citizenship at petition for correction of clerical error.
Suspindido rin ang iba pang consular services tulad ng pag-proseso ng passport, visa, travel documents, NBI clearance application, notarization at certification.
Pinayuhan ng embahada ang publiko na ipagpaliban muna ang pag-a-apply ng mga nasabing dokumento lalo na kung hindi naman urgent.
Magsasagawa na lamang ang embahada ng appointment system hinggil dito habang tuloy naman ang iba serbisyo tulad ng assistance to national, consular mortuary certificate at clearance para sa mga labi ng mga namatay.
Mananatili din bukas ang embahada, Lunes hanggang Biyernes upang magpatuloy sa serbisyo publiko lalo na sa mga taong nangangailangan ng agarang dokumento mula sa kanilang tanggapan.