Ilang sikat na personalidad, binisita si Eddie Garcia sa ospital

665
File photo

Ilang sikat na personalidad ang dumalaw kay Eddie Garcia sa Makati Medical Center nitong weekend.

Bumisita sina senator-elect Bong Go kasama sina Robin Padilla at Philip Salvador.

Bandang 8:30 ng gabi, dumating si Go at mga kasamahan sa ospital.

“Tatay po siya ng isang matalik kong kaibigan, ni Ricky Romero. Nakakalungkot,” tugon ni Go.

Dagdag pa niya, “nandito kami ng dalawa kong kaibigan para gisingin sana si Tito Eddie. Sanay kaming manggisingan sa isa’t isa. Sabi namin subukan naming gisingin si Tito Eddie. Pumasok kami sa ICU. Siguro ipagdasal nalang po natin si Tito Eddie.”

Pumunta din sa MMC sina senator-elect Bong Revilla at dating Pangulong Joseph Estrada.

Iisa lang ang dasal nila at ng sambayanan, mabilis na paggaling ng beteranong aktor.

Matatandaang isinugod sa ospital si Garcia matapos matapilok at bumagsak habang nagtataping ng isang fight scene para sa upcoming soap opera ng GMA 7. Taliwas sa unang lumabas na pahayag, nagkaroon ito ng severe cervical fracture at hindi inatake sa puso. 

Facebook Comments

From Advertisers