Ilang social media accounts na nakabase sa Pilipinas at China kabilang ang sumusuporta sa tandem ng mag-amang Rodrigo at Sara Duterte sa halalan 2022, tinanggal ng Facebook!

Ilang social media accounts na nabibilang sa Philippine at China-based networks ang tinanggal ng Facebook dahil sa umano’y “coordinated inauthentic behavior”.

Sa ilalim ng hindi pinangalanang Philippine-based network, aabot sa 57 Facebook accounts, 31 pages at 20 Instagram accounts ang tinanggal ng Facebook dahil sa mga paglabag sa kanilang community standards gaya ng paggamit ng fake accounts.

Ayon kay Facebook Security Policy Head Nathaniel Gleicher, may nakita silang mga link sa likod ng network na konektado sa Philippine military at police at mga indibidwal na may kaugnayan sa mga nasabing organisasyon.


Naka-focus aniya ang mga accounts na ito sa mga local news event, domestic politics, military activities against terrorism, Anti-Terrorism Bill, kritisismo ng oposisyon, youth activists, Communist Party of the Philippines at ng military wing nito na New People’s Army at National Democratic Front of the Philippines.

Samantala, nasa 155 accounts, 11 pages, 9 groups at anim na Instagram accounts naman na iniuugnay sa China-based network ang inalis din ng Facebook.

Kabilang dito ang mga page na sumusuporta sa tandem ni Pangulong Rodrigo Duterte at kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte para sa darating na halalan sa 2022.

Ayon kay Gleicher, na-trace ang mga ito mula sa ilang indibidwal sa Fujian Province sa China.

Facebook Comments