Megan Young, buntis na?

64
COURTESY: MEGAN YOUNG INSTAGRAM

“Baby bump or baby belly?”

Yan ang tanong ng netizen sa actress/beauty queen na si Megan Young kasunod ng larawang ibinahagi nito sa kaniyang social media account ng weekend getaway nila ng asawang si Mikael Daez.

Sa larawan kung saan karga pa ni Megan ang aso nilang si Soba, hindi nakaligtas sa mga mata ng netizens ang anila’y tila baby bump ng aktres.

Pero natatawang sagot ni Megan, “kanin po yan at saka chips!”

Bagama’t hindi totoong buntis, nagpahiwatig naman si Mikael na ready na siyang maging daddy.

Ikinasal sina Mikael at Megan noong January 2020.

Facebook Comments