Ilang SPED teachers, nangangamba kasunod ng kawalan ng pondo sa programa sa susunod na taon

Ikinabahala ng ilang Special Education program (SPED) teachers na hindi sila mabibigyan ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM) para sa taong 2023.

Daing ng ilang guro, kulang na nga ang pondo para sa programa at minsan ay abonado pa sila kaya baka mapilitan ang iba na maghanap ng ibang trabaho.

Kaya apela nila sa pamahalaan na huwag sana balewalain ang pangangailangan ng SPED teachers at mga estudyante nito bunsod ng hindi birong gastos upang turuan ang mga persons with special needs.


Matatandaang inihayag ng DBM na nabigo ang Department of Education (DepEd) na magsumite ng mga kinakailangang dokumentasyon kung kaya’t walang pondong inilaan para sa special education (SPED) sa ilalim ng 2023 budget.

Tiniyak naman ng DEPED na magsasagawa sila ng internal adjustments upang matiyak na magkakaroon pa rin ng pondo ang SPED sa susunod na taon.

Facebook Comments