Mga basura, balik sa dolomite beach ilang araw matapos ang cleanup

Sumalubong sa mga namasyal sa dolomite beach ang sandamakmak na basura sa Maynila kahapon.

Palutang-lutang sa dalampasigan ang samu’t saring basura tulad ng plastic, styro, kahoy, at marami pang iba.

Nakatambak lang din sa gilid ng artificial beach ang mga sakong may lamang mga kahoy at iba pang basurang nakuha rin mismo doon.


Nitong weekend lamang ay nagtulong-tulong ang mga volunteer at ilang government agencies para sa International Coastal Cleanup Day.

Ilan sa mga namasyal ay nadismaya, bagaman may iba ring namangha pa rin sa dolomite beach.

Puspusan ang paglilinis ng mga tauhan ng MMDA sa lugar at nanawagan sa publiko na itapon sa tamang lalagyan o lugar ang kanilang mga basura.

Facebook Comments