Ramdam ng ilang street food vendors sa Dagupan City ang patuloy pa na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ani ng ilang vendors, Ilan sa kanilang ginagamit sa kanilang negosyo Gaya ng mantika at ibang pampalasa ay tumaas ang presyo.
Hindi rin naman umano sila nagtaas ng kanilang presyo sa mga ibinibenta ngunit pahirapan kung magpapatuloy pa umano ang mataas na presyo ng bilihin.
Mainam rin umano sana kung magpapatuloy ang mga programang nakalaan para sa mga maliliit na nagnenegosyo para sa kanilang pang araw-araw na gastusin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments








