Ilang tanggapan ng Philippine Coast Guard headquarters, naka-lockdown matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilang tauhan

61

Pitong tanggapan ng Philippine Coast Guard headquarters ang naka-lockdown ngayon matapos tamaan ng COVID-19 ang ilang tauhan nito.

Kabilang dito ang mga tanggapan ng:

1) Coast Guard Internal Audit
2) Provost Marshal
3) Office of the Command Master Chief Petty Officer
4) Coast Guard Legal Service
5) Commission on Audit
6) Office of the Deputy Chief of Coast Guard Staff for Comptrollership (Cg-6)
7) Coast Guard Public Affairs


Sa ngayon, 133 tauhan ng PCG ang na-infect ng COVID -19 kaya’t kinailangang isailalim sa disinfection ang mga opisina.

Kasalukuyan namang nasa quarantine facility ang mga apektadong miyembro ng PCG at nagpapagaling.

Facebook Comments