Bagong COVID-19 Facility ng CVMC, Binasbasan na

12
Binasbasan na ngayong araw ang bagong gawang Nightingale Building sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Ito ay mayroong 18-Bed Covid Emergency Room para sa mga pasyente.

Ito rin ay karagdagang COVID facility ng CVMC para matugunan ang tumataas na kaso ng admission sa nasabing ospital.

Sa kasalukuyan, nasa Full Bed Capacity ang status ng CVMC kung kaya’t patuloy ang pagpapayo ng pamunuan ng hospital na patuloy na ipanalangin ang agarang paggaling ng mga covid patients.

Hiniling din ni Dr. Glenn Mathew Baggao, CVMC Chief na ipanalangin ang kaligtasan ng mga health workers na ngayo’y nahaharap nanaman sa matinding laban.

Facebook Comments