Ilang tanggapan sa Pasig LGU, isinailalim sa lockdown

Iniutos ni Pasig City Mayor Vico Sotto na isailalim sa lockdown ang ilang tanggapan sa Pasig City Hall kasama ang City Administrator’s Office.

Ayon kay Mayor Vico, dahilan nito ang pagpopositibo sa COVID-19 ng ilang staff ng nabanggit na mga tanggapan.

Dahil sa hindi normal ang trabaho sa city hall, bunga nito ay humihingi si Sotto ng pang-unawa sa pang-unawa sa publiko.


Hinikayat din ni Sotto ang mga Pasigueño na ipagpatuloy ang paglaban sa COVID-19.

Samantala, sa ngayon ay pumalo na sa 2,075 ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments