Ilang government workers unang nasampolan ng spot inspection ng Civil Service Commission.
Kabilang sa mga nahuli na sa akto ay mga hindi nagtatrabaho ng tama sa sa kanilang mga opisina.
Sa ginawang spot checks kahapon ni CSC Commissioner Aileen Lizada sa ilang frontline services ng gobyerno may isang empleyado ng Phil Statistics Authority at isang Security Guard ang huling nanonood sa cellphone habang nasa trabaho.
Nasa Legaspi City sa Albay ngayong araw ang team ni Atty Lizada para sa ikalawang regional visit.
Aniya marami din silang nahuli on video na mga govt. employees na tatamad tamad.
Kaugnay nito, nananawagan na rin sa publiko si Lizada na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga tatamad tamad at pabayang empleyado ng gobyerno Maaari aniyang i text lamang sa hotline ng CSC Contact Center ng Bayan na 0908.881.6565 at tawag sa , PLDT line 16565 saan mang dako ng bansa mula Lunes hanggang Biyernes alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
May katapat aniyang kaparusahan hanggang sa pagkatanggal sa serbisyo ang sinumamg govt. workers mahuhuli na magpabaya sa kanilang trabaho.