Umarangkada na ang dagdag singgil sa toll ng North Luzon Expressway (NLEX) ngayong araw

Para sa mga class 1 vehicles na kinabibilangan ng mga kotse, taxi, jeep, van at motorsiklo. P54 na ang singil mula sa dating P45 kapag open system habang P258 na mula sa dating P236 kapag end to end.

 

Para naman sa class 2 vehicles gaya ng mga light truck at bus, P136 na ang toll mula sa dating P114 kung open system pero kung end to end, P645 na ang singil.

 

At para sa class 3 vehicles, P164 na sa singil mula sa dating P136 kung open system at P778 naman kung end to end ang biyahe.


 

Kamakailan ng aprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang taas-singgil sa toll ng NLEX.

Facebook Comments