Ilang tauhan ng PH Railway Institute, sasailalim sa training sa Japan sa Hulyo

Isasailalim sa training sa Japan sa darating na Hulyo ang initial batch ng Philippine Railway Institute (PRI) personnel.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Communications Goddess Hope Libiran – nakatuon ang training sa railway operations at management.

Aniya, aabot sa 14 na tauhan mula sa project management office ng Metro Manila Subway Project ang magsasanay sa loob ng pitong araw sa Tokyo Metro Training Center.


Walang gagastusin dito ang gobyerno at fully funded sa pamamagitan ng grant mula sa Japanese Government.

Ang mga pagsasanay ay isasagawa upang paghandaan ang partial operations ng railway institute.

Ang PRI ay mag-aalok ng siyam na certificate at licensing courses sakop ang specialized disciplines sa railway operations and maintenance.

Ang PRI ay pinondohan sa ilalim ng 690 million yen grant mula sa Japanese Government na layong maging primary policy-making, planning, implementing, regulating at administrative agency sa Human Resource Development sa Philippine railway sector.

Ang full operations ng PRI ay itinakda sa 2021 pagkatapos na makumpleto ang 20,000-square meter building sa four hectare site sa Metro Manila Subway Depot nito sa Valenzuela City.

Facebook Comments