Ilang teams sa PBA, sinimulan nang mag-ensayo sa loob ng Clark bubble

38

Sinimulan na ng ilang teams sa PBA ang kanilang practice bilang paghahanda na rin sa pagpapatuloy ng 2020 Philiippine Cup sa darating na October 11.

Unang sumabak ang koponan ng Magnolia at Meralco, na sinundan ng Phoenix at Terrafirma na bagong pangalan ng Columbian Dyip sa pagpa-practice na ginanap sa Angeles University Foundation Gym.

Huling nag-ensayo ang koponan ng TNT kung saan nagsasagawa ng sanitation kada pagitan ng practice bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.

Ang iba naman teams ay kasalukuyang nasa quarantine facility at inaantay pa rin nila ang resulta ng swab test bago sila payagang mag-practice.

Facebook Comments