Ilang terminal sa Pasay City, nag-alok na rin ng ‘extra trips’ dahil sa dami ng pasaherong dumaragsa ngayong araw

Nagbibigay na ng extra trips ang ilang terminal sa Pasay City, partikular na ang Victory Liner Bus Terminal dahil na rin sa pagdami ng pasahero ngayong araw.

Sa ngayon kasi, nag-uunahan nang makauwi sa kanilang mga probinsya ang mga biyahero bilang paggunita sa Semana Santa.

May ilang kompanya rin kasi na maaga nang nag-abiso ng half day sa kanilang mga personnel maging ang mga government workers kung kaya ang ilan ay maaga nang nag-file ng kanilang leave sa trabaho.


Sa ngayon, naa-accommodate pa ng terminal ang dagsa ng pasahero at patuloy pa rin naman ang biyahe patungo sa ilang mga lalawigan sa labas ng Metro Manila.

Facebook Comments