Ilang tindahan ng baboy at manok sa Pasig Mega Market, sarado ngayon araw dahil sa ipinatupad na price freeze

Inihayag ng taga-pangulo ng meat section ng Pasig Mega Market na si Benjamin Viray na aabot ng 60% ang maaring tumigil ng pagtinda ng baboy at manok sa nasabing public market.

Ayon kay Viray, malulugi sila kung susundin ang presyo na ipinatutupad ng pamahalaan na 270 per kilo ng pork pigue, P300 per kilo ng pork liempo, at P160 per kilo ng manok.

Aniya hindi kaya ang 60 araw na price freeze dahil mataas pa rin ang kanilang pagaangkat ng baboy at manok sa farm gate at mga byahero na nagbabasal ng manok at baboy sa Pasig Mega Market.


Dagdag pa niya na napipilitan silang hindi muna magtinda dahil mas mainam ito kesa naman makasuhan sila ng profiteering at tuluyang mawalan ng kabuhayan.

Sa ngayon ay patuloy na magtitinda ang iba pang may supply ng baboy at manok, bilang pakiusap ng pamahalaang lungsod upang may mabilhan ang mga residente ng Pasig ng baboy at manok.

Wala naman aniya sinabi ang lokal na pamahalaan ng Pasig kung bibigyan sila ng tulong upang hindi sila malugi.

Facebook Comments