Ilang tourist destination sa Pilipinas, pwede nang puntahan kahit walang swab test

Pwede nang mamasyal sa apat pang local destination sa bansa ang publiko nang hindi kinakailangang magpakita ng negative RT-PCR o antigen test result.

Simula kahapon, October 25, maaari nang makabiyahe sa Bohol, Cebu City, Mandaue City at Roxas pero dapat ay fully vaccinated.

Kailangan lamang magpakita ng vaccination certificate mula sa vaxcert.doh.gov.ph, government-issued ID at S-pass approval.


Samantala, bukas na rin sa mga turistang fully vaccinated kontra COVID-19 ang Baguio City.

Kailangan lamang nilang mag-register sa visita.baguio.gov.ph.

Habang ang mga kabataang edad 12 hanggang 17 na kasama ng nakatatanda ay dapat pa ring magprisinta ng negative antigen o RT-PCR test results.

Facebook Comments