Ilang transmission line ng NGCP sa Cagayan, wala nang suplay ng kuryente

Walang suplay ng kuryente sa ilang bayan sa Cagayan dahil sa pagtama ng Super Typhoon Egay.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ilang customer na sinusuplayan ng kuryente ng CAGELCO II ang nawalan ng kuryente.

Bandang alas-12:43 nang magkaroon ng power interruption sa nasasakupan ngLal-lo-Sta. Ana 69kV Line.


Ayon sa NGCP, sa sandaling bumuti ang lagay ng panahon ay agad magsasagawa ng inspeksyon at restoration sa mga linya na naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments