Ilang transport group, umatras sa ilulunsad na tigil pasada sa susunod na linggo

72

Manila, Philippines – Umatras na ang ilang transport group sa ilulunsad na tigil-pasada sa Oktubre 16 hanggang 17.

Kabilang na rito ang FEJODAP, ACTO, LTOP, ALTODAP at Pasang Masda.

Itinanggi rin ng mga nasabing grupo na sinusuportahan nila ang planong transport strike ng piston bilang protesta sa pag-phaseout ng mga lumang jeep.

Sa kabila nito, lalahok pa rin ang stop and go coalition sa dalawang araw na strike.

Una nang naglunsad ng kahalintulad na protesta ang Stop and Go Coalition noong September 25 at 26 bilang pagkontra sa modernisasyon.

Facebook Comments