Tulak ng droga arestado sa Almonte Extension

14

Arestado ng PDEA ARMM ang isang lalaki sa isinagawang buy bust operation sa bahagi ng Almonte Extension, Mother Brgy Poblacion alas syete kurentay singko kagabi.

Kinilala ang nahuli na si Durano Ebrahim Salik a.k.a Dorano Esmael / Durano Nor E Salik Filipino, 43 years old residente ng nanbanggit na lugar, na naaktuhang nagbebenta ng isang sachet ng shabu na nagtitimbang ng .02 grams at nagkakahalaga ng 500 pesos sa isang Agent na nagpanggap na buyer.

Samantala , nakumpiskahan pa ng isang malaking sachet ng shabu ang suspek na tinatayang nagkakahalaga ng 4000 pesos, at mga drug paraphernalia na kinabibilangan ng 12 pirasong improvised ligthers, aluminum foil, vial at screw driver na sinasabing pang crack ng shabu.

Kasalukuyang kalaboso na sa jail facility ng PDEA ARMM at inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 sa naarestong si Salik.(DENNIS ARCON)

San ba ang source ng mga ibinebentang shabu sa syudad?

google pic

Facebook Comments