Manila, Philippines – Nagbabala ang ilang transport groups na tataas ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong jeepney.
Ito’y kapag binago na ang disenyo at nilagyan ng aircon ang mga bagong unit.
Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin – 22 seater ang ipapalit sa nakasanayang jeep at sa kanang gilid na ang pasukan at labasan ng mga pasahero gaya ng mga bus.
Aniya, mahigit isang milyong piso ang gagastusin kada bagong sasakyan.
Paglilinaw naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kailangang dumaan sa pagdinig ang anumang hirit para sa dagdag pasahe.
Facebook Comments