Ilang travel abroad ni Pangulo, wala pang katiyakan kung matutuloy o hindi

Depende sa magiging payo ng doktor kung tuloy o hindi ang mga nakatakdang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa labas ng bansa.

Matatandaan kasing, mismong ang Pangulo na ang nag-sabing mayroon syang iniindang pananakit ng likod o muscle spasm kaya kinakailangan nitong komunsulta sa doktor.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, may mga naka-iskedyul nang konsultasyon si Pangulo Duterte at dito malalaman kung kailangang kanselahin ang kanyang mga travel abroad.


Ilan sa mga bansang nakatakdang puntahan ng chief executive ay ang Thailand, Busan South Korea At Chile.

Sa ngayon, ayon kay Panelo, wait and see muna sa magiging pinal na desisyon ng doktor ni Pangulo Duterte kung papayagan itong bumyahe sa abroad.

Facebook Comments