Mahigit 8 libong indibidwal naapektuhan ng malakas na lindol sa region 12 ayon sa NDRRMC

Umaabot na sa 8,405 na mga indibidwal o katumbas ng 1, 681 pamilya mula sa SOCSARGEN o Region 12 ang naapektuhan ng malakas na lindol.

Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong araw, 3 munisipalidad mula sa Cotobato ang lubhang apektado ng lindol.

Ito ang: Tulunan, M’lang, at City of Kidapawan.


Sa bilang na ito 3,505 na indibidwal o katumbas ng 701 mga pamilya ang nanatili pa rin sa evacuation centers habang 4,900 na inidbidwal o katumbas naman ng 980 na pamilya ang lumikas o pansamantalang nanunuluyan sa ibang ligtas na lugar.

Samantala, sa datos ng NDRRMC liman na ang kumpirmadong namatay, 2 nadagdag na bilang na nasawi sa lindol ay kinilalang sina Marichelle Moria na taga Tulunan, Cotabato at Jesriel Pabra na taga Magsaysay, Davao Del Sur.

Facebook Comments