Dumadaing din ang ilang tricycle drivers sa Dagupan City sa maalikabok na hangin at paligid sa kanilang mga pwesto lalo na sa bahagi ng AB Fernandez pa-Downtown.
Ayon sa ilang tricycle drivers matumal ang pagpasada at kita dahil umiiwas ang mga commuters sa mga maalikabok na bahagi ng kakalsadahan sakto kung saan sila nakapwesto.
Nasarhan na daw kasi ng bagong gawang drainage elevation ang dati nilang pinagpipwestuhan kaya wala umano silang magawa kung hindi mag abang sa gilid mismo ng main road kung saan nalalanghap nila ang alikabok.
Panlaban nila ang mga facemask at panyong dala para hindi makakuha ng sakit mula sa paligid at tuloy pa rin ang pasada kahit pa matumal. |ifmnews
Facebook Comments