Ilang tulay sa Cagayan, hindi na madaanan ng mga sasakyan dahil sa pagtaas ng tubig sa Cagayan River

Hindi na madaanan ng mga sasakyan ang ilang tulay sa Amulung, Cagayan.

Ito’y makaraang umapaw ang Cagayan River dahil sa ulang dala ng Bagyong Kristine.

Kabilang sa mga hindi na madaanan ay ang Amulung Steel Bridge, Goran Bridge at Tana-Annabuculan Road.


Ayon pa sa Cagayan Provincial Information Office, unpassable na rin sa maliliit na sasakyan ang Bunagan Bridge sa bayan ng Enrile dahil sa baha.

Habang nasa 7.15-meter warning level na ang antas ng tubig sa Palattao Bridge.

Habang nitong 8:00 AM, sumampa na sa 8.6 meters warning level ang Buntun Bridge sa Tuguegarao, Cagayan.

Samantala, baha na rin sa ilang bahagi ng Pinacanauan Avenue partikular sa Barangay Cataggaman.

Facebook Comments