Manila, Philippines – Napangalanan na ang ilang underwater sea features ng Philippine Rise.
Pero pinangalanan ito sa wikang Chinese.
Makikita sa undersea features names gazetteer ng General Bathymetric Chart of the Oceans (GEBCO) ang limang pangalan na malapit sa isla ng Luzon:
Jinghao Seamount
Tianbao Seamount
Haidongqing Seamount
Jujiu Seamounts
Cuiquiao Hill
Ang mga pangalang ito ay ipinanukala ng China na siyang inaprubahan ng international hydro graphic organization.
Samantala, isasagawa ngayong araw sa bansa ang Bicameral Consultation Mechanism (BCM) sa pagitan ng Pilipinas at China para talakayin lalo na ang isyu ng West Philippine Sea.
Facebook Comments