Ilang unibersidad, pinayagan nang magsagawa ng face-to-face learning ng CHED

Pinayagan na ng Commission on Higher Education (CHED) na magkaroon ng limited face-to-face learning ang ilang unibersidad sa bansa sa kabila ng banta ng COVID-19.

Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, para lamang ito sa piling mag-aaral ng medisina at allied health sciences at sa mga unibersidad na nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Kabilang sa tatlong unibersidad na pinayagan ng CHED ay ang University of the Philippines – Manila, Our Lady of Fatima University sa Valenzuela at Ateneo de Manila University.


Nilinaw naman ni De Vera na kailangan munang mag-apply ng ibang paaralan na nais magpatuloy ng face-to-face learning.

Aniya, ito ay kanilang bibisitahin at iinspeksyunin kung pasado sa requirements.

Facebook Comments