Localized Lockdown sa mga lugar na may kaso ng UK COVID variant, iminungkahi ni Mayor Magalong

36

Umapela si Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa pamahalaan na localized lockdown na lamang ang ipatupad sa mga lugar na may naitalang COVID-19 UK variant.

Kasunod ito ng rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang Cordillera Administrative Region (CAR) para maiwasan ang pagkalat pa ng UK variant.


Ayon kay Magalong, posibleng bumaba na naman kasi ang turismo sa lungsod na noong Oktubre lang muling binuksan dahil sa lockdown.

Sa kabila nito, tiniyak ni Magalong na maghihigpit sila sa border ng lungsod at Benguet.

Hahanapan din aniya ng health certificate ang mga papasok sa Baguio City simula sa Miyerkules.

Matatandaang una nang isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang tatlong barangay sa Bontoc, Mountain Province.




Facebook Comments