Inihayag ngayon ng Taguig City government na bukas ang ilang vaccination center ngayong araw para sa mga nakaligtaan o kaya’y nalagpasan na ang schedule ng kani-kanilang 2nd dose ng bakuna laban sa COVID-19 dahil sa iba’t ibang mga kadahilanan.
Base sa inilabas na abiso ng Taguig City government, bukas ang Vista Mall Mega Vaccination Hub mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon para sa ikalawang dose ng AstraZeneca, habang ang Bonifacio High Street 1 Mega Vaccination Hub naman ay bukas din ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon para naman sa 2nd dose ng Sinovac, Pfizer at Moderna.
Habang ang mga nalagpasan na ang schedule ng 2nd dose ng Sputnik V ay inaabisuhan na maghintay na lamang muna ng mensahe mula sa Local Government Unit (LGU).
Base sa pinakahuling update ng City Health Office, mahigit 640,000 o 73% ng kabuuang populasyon sa Taguig ang nababakunahan laban sa COVID-19 kung saan mahigit 548,000 dito o katumbas ng 63% ng total population ng Taguig City ang fully vaccinated o nakumpleto na ang kanilang bakuna