Iniimbestigahan na ng Department of Agriculture (DA) ang ilegal na bentahan ng hybrid rice seeds sa Cagayan Valley.
Ito ay kasunod ng kumakalat na larawan at video sa social media ung saan ibinibenta ang pinamimigay na binhi ng kagawaran.
Matatandaang namahagi ng hybrid rice seeds ang DA bilang tulong sa mga magsasakang sinalanta ng mga kalamidad.
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) upang matukoy kung sino ang nasa likod ng ilegal na bentahan ng binhi.
Pero depensa ng Regional Field Office ng DA sa Cagayan Valley, hindi galing sa kanila ang naturang binhi dahil iba ang sako na kinalalagyan ng hybrid na rice seed ng ahensya.
Mayroon kasing logo ng DA ang sako na mula sa ahensya at nakasaad din ang klase ng binhi, at may tatak na “not for sale,” hindi tulad ng sako sa kumakalat na video na 5 kilo ang nakalagay.