Dating Philippine decathlete at aktor na si David Bunevacz, hinatulan ng korte sa Amerika na makulong ng mahigit 17 taon dahil sa kasong fraud

103

Hinatulan ng US District Court sa California sa Estados Unidos na makulong ng 210 na buwan o katumbas ng higit 17 taon ang Filipino-American na dating decathlete at aktor na si David Bunevacz sa kasong security at wire fraud.

Pinagbabayad din siya ng korte ng $35 million o mahigit P2 billion bilang restitution para sa kaniyang mga investor na na-scam sa pekeng cannabis company na pinondohan ng mga ito.

Ayon sa court documents, ginamit ni Bunevacz ang mahigit $37 million at $45 million o katumbas ng P2 billion at P2.5 billion investment mula sa 100 investors para sa kaniyang luho.


Ginamit din umano ni Bunevacz ang nasabing pera para sa pagbili ng mansyon sa California at sa Las Vegas at pagpondo sa mga parties ng kaniyang pamilya.

Facebook Comments