Manila, Philippines – Ibinunyag ni Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica na may bagong modus operandi na ‘Sundo System’.
Ayon kay Belgica, modus ito ng mga sindikato na mga smuggler sa bansa na dumadaan sa NAIA.
Ilegal na droga aniya ang ipinupuslit noong 2012 pero pagsapit ng 2014 ay ginto at alahas na ang pinalulusot nito sa tulong ng ilang tiwaling opisyal ng Bureau of Customs (BOC), Pasay Prosecutors at Department of Justice (DOJ).
Sabi pa ni Belgica, hindi bababa sa P10 bilyon na ang halagang naipuslit ng grupo sa NAIA sa 133 smuggling activities na mula sa Dubai at Thailand.
Aniya, batid na nilang may mga kasabwat na prosecutor ang sindikato kaya mabilis napapakawalan ang mga suspek.
Facebook Comments