Thursday, March 5, 2026

ILEGAL NA PAGTATAPON NG BASURA SA BRGY. BALOLING MRF SA MAPANDAN, MULING PINUNA NG AWTORIDAD

Patuloy ang pagsisikap ng mga kaugnay na ahensya sa Mapandan upang tuluyang matuldukan ang ilegal na pagtatapon ng basura sa Material Recovery Facility (MRF) sa Brgy. Baloling, matapos muling matambakan ng basura ang lugar sa kabila ng ilang ulit na paglilinis at pagsasara nito.

Ito ay bilang tugon sa kumakalat na litrato sa social media post ng dating mayoral candidate sa bayan, na bumabatikos sa sitwasyon ng pasilidad.

Dahil dito, matapos ang clearing operation noong Pebrero, sinuri rin ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (EMB) at Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) para sa ugnayan upang maresolba na ang naturang isyu sa basura.

Matatandaan na, nilinis at binakuran na ang naturang pasilidad noong Pebrero at Oktubre 2025 ngunit patuloy pa rin sa pagtambak ng basura na naging sanhi pa ng pagkasira ng inilagay na harang.

Nanindigan ang mga kaukulang ahensya ng agarang solusyon upang matuldukan na ang usapin sa basura para sa kalusugan at kaligtasan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments