Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbunot o pagkolekta ng aragan sa baybaying sakop ng Agno, gayundin ang pagbebenta, at pagbiyahe nito nang walang rehistro sa Fish-R at listahan ng lokal na pamahalaan, upang maprotektahan ang naturang yamang-dagat.
Ayon sa tanggapan, ang sargassum o aragan ay mahalagang bahagi ng marine ecosystem kaya’t ang pangangalap nito ay pinapayagan lamang sa ilalim ng wastong regulasyon.
Ipinagbabawal din ang pagbibiyahe o pangangalakal ng aragan nang walang kaukulang Local Transport Permit at Auxiliary Invoice, pati na ang pag-eeksport nito sa natural na anyo tulad ng tuyo o pulbos.
Batay sa Section 8 ng Fisheries Administrative Order No. 250-2 series of 2018, ang sinumang lalabag ay maaaring patawan ng multang hindi bababa sa ₱50,000 hanggang ₱2,000,000.
Maaari ring kumpiskahin ang aragan at kanselahin ang permit o lisensya ng mga mapapatunayang lumabag.
Hinihikayat naman ng lokal na pamahalaan ang publiko na agad iulat sa kinauukulan ang anumang paglabag upang mapanatili ang kaayusan at balanse ng karagatan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










