ILEGAL NA SIGARILYO AT MGA ALAK, SINIRA NG BIR REGION 2

Cauayan City – Pinagsisira ng Bureau of Internal Revenue Cagayan Valley ang kahun-kahong alak at wines, maging ang libo-libong mga sigarilyo na hindi rehistrado.

Ang aktibidad na ito ay bilang pakikiisa sa Nationwide Crackdown ng BIR na naglalayong labanan ang pagbebenta ng ilegal at hindi rehistradong mga sigarilyo at alak sa merkado.

Ang mga alak at sigarilyo na nasabat ng mga awtoridad ay mula sa iba’t-ibang establiyemento sa mga lugar kabilang ang lungsod ng Cauayan, at bayan ng Alicia sa Isabela, at sa Tuguegarao City at Sta. Ana, Cagayan.


Ang nasamsam na mga ilegal na sigarilyo at alak ay isa-isang ipinakain sa shredder machine upang tuluyang masira at hindi na muling ipagbili pa.

Samantala, patuloy na hinihikayat ng BIR ang publiko na huwag bumili ng ilegal na mga produkto at kaagad na ipagbigay alam sa kinauukulan sakali man na may mga establishemyento o indibidwal na lalabag dito.

Facebook Comments