
Cauayan City – Mas pinaigting pa ng Cagayan Valley Center for Health and Development ang kanilang kampanya kontra Dengue sa pamamagitan ng paglulunsad ng programang “Alas Kwatro Kontra Mosquito”.
Layunin ng aktibidad na ito na bawasan ang pagkalat ng dengue sa bansa sa pamamagitan ng pagpuksa sa mga pinamumugaran ng lamok upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Nagsimula ang kampanya kahapon, ika-24 ng Pebrero kung saan eksaktong alas-kwatro ng hapon ay magsasagawa ng paglilinis at inspeksyon sa mga pampubliko at pribadong institusyon,
Bukod sa paglilinis, ipapaalam din sa publiko ang kahalagahan ng 4S Strategy o ang Search and Destroy, Secure Self Protection, Seek Early Consultation, at Support Fogging Operations upang laban sa dengue.
Upang matiyak ang tagumpay ng kampanyang ito, hinihikayat ng CVCHD ang lahat na makibahagi sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang kapaligiran upang mapigilan ang pagkalat ng dengue at mapanatili ang kalusugan ng buong komunidad.