ILIGAL | 100 smuggled sports car na nakapasok sa Sta. Ana, Cagayan, sisirain!

104

Sta. Ana, Cagayan – Tuloy ang pagdurog sa 100 na mga 2nd hand smuggled sports car na naipasok sa Sta. Ana, Cagayan.

Ito ang sinabi ng pinino ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).

Ayon kay CEZA Administrator Raul Lambino, papakinabangan lang ng mga magnanakaw ang mga nasabat na kotse kapag isinalang ang mga ito sa auction.

Aniya, malinaw umano ang batas na bawal mag-import ng mga segunda manong mga kotse.

Dagdag pa lambino, posibleng maapektuhan ang mga local cars industry sa bansa kapag hindi nahuli ang mga pasimuno ng pagnanakaw ng mga sports car.

Facebook Comments