NBA | Cleveland Cavaliers, pinataob ng Indiana Pacers

60

NBA – Umiskor si Darren Collison ng 22 points para ipalasap ng Indiana Pacers sa Cleveland Cavaliers ang kanilang ikatlong losing streak.

Tinalo nila ang Cavs sa score na 97-95

Nagdagdag pa si Victor Oladipo ng 18 points habang may 16 points at 11 rebounds naman si Lance Stephenson para sa Pacers.

Nagtala si Lebron James ng 27 points, 11 assists at 8 rebounds para isalba ang Cavaliers pero nabigo siya dahil sa magandang depensa ng Indiana.

Si Kevin Love naman ay kumamada rin ng 21 points para sa Cleveland.

Facebook Comments