ILIGAL NA AKTIBIDAD | Mahigit 600 rice traders, huli sa iba’t ibang paglabag – ayon sa NFA

Manila, Philippines – Iniulat ng National Food Authority na nakahuli ng nasa 614 na mga negosyante ng bigas na nasasangkot sa mga iligal na aktibidad sa nakalipas na tatlong buwan.

Batay sa report ng Security Services & Investigation Department ng NFA , mula sa ininspeksyon nilang 6,986 na establishments sa buong, may 614 na natuklasan na nag ooperate ng walang kaukulang NFA license, operating without license, hindi gumagamit ng prescribed rice box at walang price tags at sign boards sa kanilang panindang bigas.

Kabilang din sa nahuling NFA rice retailers ay napatunayang sangkot sa diversion at overpricing ng NFA rice.


Kasunod na ito ng mahigpit na kautusan ni NFA administrator Jason Aquino sa lahat ng NFA enforcement agents at monitoring teams na bantayan ang mga pamilihan laban sa anumang uri ng pagsasamantala sa harap ng manipis na buffer stock ng ahensya.

Facebook Comments