ILIGAL NA DROGA | 3 indibidwal, arestado sa Marikina City

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng Marikina City Police Station ang tatlong katao matapos na magsagawa ng buy bust operation sa Barangay Barangka Marikina City.

Nakilala ang mga suspek na sina Diodilyn De Jose , Joren Reyeg,Michael Dellava na naaresto sa Blk 12 Lot 18 UBB Brgy Barangka Marikina City matapos na magpanggap na bibili ng shabu ang isa sa mga pulis

Ayon Station Drug Enforcement Unit ng Marikina Police Station inaresto ang mga suspek matapos na nagkutsabahang nagbebenta ng transparent plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu sa isang Police na nagpanggap na poseur buyer.


Narecoved na mga ebidensya sa mga suspek ang 5 pirasong transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu at 5 daang buy-bust money na ginamit ng mga pulis sa pagbili ng shabu sa mga suspek.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang isinampang kaso laban sa tatlong pinaghihinalaang tulak sa iligal na droga.

Facebook Comments