ILIGAL NA DROGA | 451 na pulis, sinibak sa serbisyo

Manila, Philippines – 362 na pulis ang tinanggal sa tungkulin dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga mula Enero ng 2016 hanggang Hulyo ng 2018.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, walumpot-siyam na pulis pa ang nasibak sa kanilang hanay dahil naman sa paglabag sa karapatang pantao sa kaparehong panahon.

Dagdag pa ni Albayalde na walang puwang sa PNP ang mga tiwaling pulis na sabit sa iligal na droga at iba pang mga drug related offense.


Lalo rin walang karapatan ang mga pulis na hindi marunong rumispeto ng karapatang pantao ninuman.

Tiniyak pa ni Albayalde na magapatuloy ang PNP sa ginagawa nitong paglilinis sa kanilang hanay ng mga tiwaling pulis.

Facebook Comments