PBA | Kevin Murphy, pasok sa line-up ng SMB

Manila, Philippines – Si Kevin Murphy muna ang maglalaro bilang import ng inaalat na San Miguel Beer sa PBA Governor’s Cup.

Si Murphy na pinili ng Utah Jazz bilang 47th overall pick noong 2012 ay naglaro sa ibat-ibang liga sa Europa, Asia at Amerika, ay dumating kahapon at agad dumiretso sa practice ng Beermen.

Kahit galing sa mahabang biyahe, napabilib ni Murphy si SMB coach Leo Austria para siya ang isalang sa laro ng Beermen kontra Magnolia Hotshots sa Linggo, Setyembre a-30 sa Big Dome.


Papalitan ni Murphy ang dating Best Import Awardee na si Arizona Reid na may iniindang ankle injury.

Hindi pa rin nakakapaglaro sa Beermen ang 4-time reigning MVP na si June Mar Fajardo dahil din sa injury.

May 2-2 win loss card ang SMB at kailangan nilang manalo para hindi mapag-iwanan sa elimination round ng season ending conference.

Facebook Comments