Binalaan ng Malacañang sina dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at dating Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario kaugnay sa kanilang komento at umano’y “illegal” na pahayag ukol sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hindi lingid sa publiko na kinikilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang territorial at maritime claims at karapatan sa WPS, ngunit binigyang-diin nito na ang pag-angkin at karapatan ng bansa ay pinagtatalunan din ng ibang mga estado.
Iginiit naman ni Roque ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang Pangulo na ipatupad ang “careful, calculated, calibrated” policies sa WPS sa pamamagitan ng consistent na paggigiit ng ‘claims and entitlements’ nito sa bilateral talks sa China.
Sa ngayon, muling naghain ng diplomatic protest ang DFA laban sa China matapos ipag-utos muli na tigilan na ng Pilipinas ang maritime exercises sa WPS.