Deadline ng paghahain ng SALN, pinalawig pa ng CSC

22

Pinalawig pa ng Civil Service Commission (CSC) ang deadline ng paghahain ng 2020 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa mga government officials at employees.

Ayon sa CSC, bibigyan ng hanggang May 30, 2021 ang mga opisyal at kawani para makapagsumite ng kanilang SALN.


Bunsod ito ng inilabas nilang guidelines ukol sa paghahain ng SALN sa mga lugar na apektado ng State of Calamity kung saan binibigyan ng isa pang buwan ang lahat para maisumite ang nasabing dokumento.

Matatandaang ang Pilipinas ay nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa COVID-19 hanggang Setyembre 12, 2021.

Facebook Comments