Manila, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng Paluan Municipal Police Station, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at militar ang labing apat na Vietnamese matapos mahuli sa aktong nangingisda sa karagatang sakop ng Palauan Occidental Mindoro. Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Police Supt. Imelda Tolentino, ala-1:00 ng hating gabi kahapon ng maaresto ang labing apat na banyaga sakay ng dalawang fishing boat. Kinilala ang mga naarestong Vietnamese sa mga alyas na Long, kapitan ng Bangka; Huy, engine man; Twan, Teo, Quang, Minh at Phu na sakay ng isang bangka. Habang sa isa pang bangka sakay sina Huang-boat captain, Binh-engine man, Tuan, Huy, Hung, Kinhao at Hiew. Sinabi ni Tolentino nagsasagawa ng seaborne patrol operation ang mga pulis, sundalo at mga taga BFAR sa karagatang sakop ng Paluan, Occidental Mindoro ng maaresto ang mga Vietnamese. Sa ngayon nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Section 91 ng RA 10654 o itong Poaching in Philippine Waters.
ILIGAL NA PANGINGISDA | 14 na Vietnamese, arestado!
Facebook Comments