ILIGAL NA PAPUTOK | 35,000 na halaga ng iligal na paputok, nakumpiska ng MPD

Manila, Philippines – Nakumpiska ng Manila Police District (MPD) ang nasa mahigit P35,000 na halaga ng mga iligal na paputok, habang 21 katao naman ang kanilang naaresto sa kasagsagan ng holiday season.

Ayon kay MPD spokesperson Supt. Erwin Margarejo, resulta ito ng isinagawa nilang tatlumpu’t tatlong operasyon laban sa iligal na pag-iingat, paggamit at pagbebenta ng mga paputok simula pa noong December 15.

Base sa kanilang record, aabot sa 134 ang kabuuang bilang ng mga nabiktima ng firecracker-related injuries na naitala sa kanilang nasasakupan kung saan dalawang insidente ng sunog ang naganap na kanila nang iniimbestigahan.


May mga naaresto din sila sa Tondo at Bindondo dahil sa indiscriminate firing, pero wala naman silang naitalang nabiktima ng ligaw na bala.

Facebook Comments