Iligal na pasugalan sa Quezon City, sinalakay

Quezon City – Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng special operation unit at anti-cybercrime ng QCPD ang mga pwesto ng iligal na pasugalan sa Brgy. Bagong Buhay QC.

Inabutan sa loob ng pasugalan ang nasa 70 mga tao na parokyano ng e-sabong.

Sa pamamaitan ng internet makakapanood ka ng sabong habang kaliwat kanan ang pustahan tulad ng tupada na kadalasang nakikita sa isang brgy.


Ayon sa Brgy. Kapitan, masyado ng maingay at abala na sa kalsada ang nasabing sugal kayat sandamakmak na reklamo na rin ang kanilang natatanggap.

Lumalabas na wala itong permiso mula sa brgy., malinaw na iligal ang nasabing operasyon.
Tatlong pwesto ang sinalakay sa Brgy. Bagong Buhay habang ang mga naaresto ay dadalhin sa Kampo Karingal at sasampahan ng kasong paglabag sa R.A 1602.

Facebook Comments