Leader ng salisi gang, patay sa pamamaril sa Malate Maynila

Malate, Manila – Patay sa pamamaril ang isang lalaki na tinuturong lider ng salisi gang sa Arellano Avenue Malate Maynila pasado alas-siyete kagabi.

Dead on the spot ang biktima na si Eduardo Panopio 37 years old at nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya kausap ni Panopio ang mga kamag-anak sa may tindahan nang biglang pagbabarilin ng riding in tandem.


Tadtad ng bala sa katawan at ulo si ang biktima na nag-resulta sa agarang pagkamatay nito.

Bago mapatay kumalat sa social media ang modus ng nasabing suspek matapos mahagip ng mga CCTV Camera sa mga event na pinuntahan nito.

Ayon kay PCI Paulito Sabulao nasa drug watch list si Panopio at aktibo sa iba pang kinaanibang grupo na pakay na magnakaw sa ibat-ibang lugar.

Facebook Comments