ILIGAL NA | Pondo ng NPA, apektado

112

Manila, Philippines – Naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na magkakaroon ng problema sa pondo ang Communist Party of the Philippines, New People’s Army o CPP-NPA matapos itong ideklarang isang teroristang grupo.

Ayon kay Panelo, dahil isang teroristang grupo na ang CPP-NPA ay magiging iligal na ang pagbibigay ng pondo o financial support sa mga ito.

Bibigyan din ng notice ang mga bansa na nagbibigay sa kanila ng pondo kaugnay sa deklarasyon na isa na itong teroristang grupo.

Matatandaan na pinaghahanda na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanyang iuutos na mass arrest sa mga miyembro ng CPP-NPA.

Facebook Comments